Bangkay ng lalaki sa Dolores, Quezon, natagpuang nakatali sa puno ng niyog

Tumambad sa mga kapulisan ang bangkay ng isang lalaki na nakatali sa puno ng niyog at may nakalagay na karatulang “Bawal ang Magnanakaw” sa liblib na lugar ng Sitio Ilagaya, Barangay Putol, Dolores, Quezon nitong Linggo, Marso 17.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad hinihinalang biktima ang lalaki ng summary execution.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay PCPL. Matibag ng Dolores MPS, may pagkakakilanlan na ang biktima na isang trabahador sa koprasan at care taker ng niyugan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.