VP Sara, dapat maghinay-hinay sa mga dinadaluhang rally – House leader

Pinayuhan ni House Deputy Speaker David Suarez si Vice President Sara Duterte na maghinay-hinay sa mga dinadaluhan nito na “prayer rally” lalo na kung ang mga rally ay kontra sa administrasyong Marcos.

Ayon kay Suarez, dapat maging mapili si Duterte sa mga pupuntahan na pagtitipon upang maiwasan ang pagbibigay ng nakakalitong senyales.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ipinunto nito na hindi umano magandang nakikita ang bise-presidente sa mga anti-BBM rally gayong bahagi ito ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyang-diin din ng kongresista ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga sumusuporta sa pangulo sa halip na magbigay ng ibang senyales sa publiko.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kitang-kita aniya sa ikinasang prayer rally ng mga tagasuporta ng founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy ang anti-administration sentiment o isinisigaw ng mga indibidwal na lumahok.

Mababatid na kabilang si VP Sara sa mga personalidad na dumalo sa naturang “prayer rally” sa Maynila.