Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na pwede pa ring magpatuloy sa kanyang pagtuturo ang teacher na nag-viral sa TikTok matapos nitong pagalitan ang kanyang mga estudyante.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, hindi pa nila natatanong ang school head ng paaralan kung nagtuturo pa ba ang nasabing guro, pero nilinaw nitong walang rason para pigilan itong pumunta sa paraalan lalo pa’t wala pa namang sanction na ipinapataw.
Ani Bringas, dadaan din sa due process ang teacher kung saan nito magagamit ang kanyang karapatan na maipaliwanag ang kanyang panig.
Sa ngayon, wala pa raw naghahain ng reklamo laban sa nag-viral na guro.
Matatandaang naglabas na ng show cause order ang DepEd laban sa teacher kahapon.