Senior citizen, sinaksak ng kainuman nito sa dibdib sa Sariaya, Quezon

Sinaksak ang isang lalaking senior citizen ng kainuman nito sa Sitio Bulihan Barangay Concepcion, Palasan Sariaya, Quezon nitong Sabado, Marso 16.

Ayon sa report, bandang alas-7:10 ng gabi nagiinuman noon ang biktima at suspek sa isang birthday party ng biglang umalis ang suspek at pagbalik nito sinaksak nito sa kanang dibdib ang biktima gamit ang isang balisong.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Agad na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa hospital ang biktima para lapatan ito ng lunas.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ganun din ang pag-tugis sa suspek.