Senior Citizen na- trap sa balon, patay

Patay ang isang senior citizen nang ma-trap at mawalan umano ng malay sa loob ng makipot na balon sa Barangay Concepcion, Puerto Princesa umaga ng Lunes, ika- 18 ng Marso 2024.

Ang biktima ay kinilala na si Onopre Madayag ng Narra, Palawan na nagtrabaho bilang construction worker sa ginagawang tulay malapit sa pinangyarihan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon sa Punong Barangay na si Job Francisco, na- trap ito sa balon na kanyang nilinis pero hindi ito naka-akyat kaagad. Ang balon na iyon ay wala ng gumagamit maliban sa mga trabahante doon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ligtas naman na nakalabas sa balon ang kasama nitong lalaki na humingi ng tulong sa otoridad.

Tinatayang tatlong oras ang lumipas bago naiangat ang katawan ni Onopre mula sa ilalim ng balon na may 6-7 metro ang lalim gamit ang mga lubid.