Lalaki, nanghawak daw ng cocomelon- humimas ng posas

Dinampot ng Anti- Crime Task force kaninang madaling araw ang dalawang kalalakihan mula sa J-1 Bar Junction 1, sa Puerto Princesa matapos ireklamo ang isa sa kanila ng pambabastos di umano sa babae.

Ayon sa complainant na pinangalanang Melissa, hinawakan ng isa sa mga suspek ang kanyang maselang parte ng katawan, partikular ang kanyang dibdib.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Agad na kumilos ang mga otoridad at nakausap sa isang Convenient Store sa Rizal Avenue, ang isa sa mga suspek na si “Jake Ocampo”, 23 taong gulang mula sa Barangay Maunlad.

Kasunod nito, naaresto ang kasama niyang si “Mark Manlabi”, 28 taong gulang, mula sa Barangay San Rafael, ayon sa report ng ACTF.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa pagkapkap sa mga suspek, nakuhanan sila ng isang patalim.

Ang mga suspek at ang mga ebidensya ay isinuko sa PS1 para sa tamang disposisyon ng kaso.