Temporary closure order sa resort sa Chocolate Hills, noong nakaraang taon pa inilabas – DENR

Binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources na ang temporary closure order na inisyu laban sa Captain’s Peak Garden and Resort ay noon pang September 6, 2023; habang ang Notice of Violation naman ay inilabas noong January 22, 2024 matapos mag-operate nang walang environmental compliance certificate ang nasabing resort.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa pahayag ng DENR, sinabi nito na ang Chocolate Hills ay idineklarang protected area para mapanatili ang iconic landscape, at mai-promote ang turismo sa lugar.

Ngayong araw, nag-isyu na rin ng memorandum se Executive Director Paquito Melicor na nag-uuto kay PENRO Bohol Ariel Rica na magsagawa ng inspeksyon sa nasabing resort.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Mababatid na lumitaw ang balita matapos magpahayag ng pagkabahala ng social media users sa epekto ng resort sa natural na kalagayan ng Chocolate hills.