Mindanao Barista Competition, isasagawa sa Koronadal City

KORONADAL CITY – MAHIGIT sa 40 mga barista mula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao ang maglalaban sa gaganaping “The Mindanao Barista Rockstar Competition Year 5” sa lungsod ng Koronadal sa March 8.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na isasagawa ang naturang aktibidad sa Soccskrsagen, partikular na sa Koronadal City kung saan dumarami na ang mga coffee shops at mga establisemento na nag-aalok ng kape. Ayon kay Kenneth Clint Bajade na maliban sa pagpapasiklaban sa skills sa paggawa ng kape, pagkakataon din ito upang magkaroon ang mga kalahok ng dagdag na kaalaman at skills mula sa iba pang mga barista.

Read More:  Pregnant woman, children among 8 family members buried in Davao Occidental
Read More:  ₱48.6 million worth of illegal drugs destroyed in Davao City

Layon din ng Barista Rockstar Competition na mapalakas ang local production ng kape sa Soccsksargen region.