SP Zubiri- winelcome ang pagkakasabay ng plebisito sa Cha-Cha at midterm election

Winelcome ni Senate President Migz Zubiri ang naging pahayag ni Commission on Elections (COMELEC), Chairman, George Erwin Garcia na posible namang mapagsabay ang plebisito ng pag-amyenda sa konstitusyon at midterm election sa 2025.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ito ay alinsunod sa hiling ni Pangulong Bongbong Marcos na pagsabayin na ito upang makatipid ang bansa.

Ayon kay Zubiri, sa tulong ng P13 bilyon na maaring matipid dito ayon sa COMELEC ay magagamit pa ito sa iba pang gastos tulad ng imprastruktura at programang makatutulong sa buhay ng mga tao.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa niya, importante lang magamit ng gobyerno ng maayos ang bawat kusing ng pera ng taumbayan sa tamang paraan.