Masbate, dapat umanong pamarisan ng iba pang lalawigan sa Bicol kaugnay ng pagkakadeklara bilang art capital ng rehiyon

LEGAZPI CITY – Dapat umanong pamarisan ng iba pang lalawigan sa Bicol Region ang ginawa ng Masbate matapos itong iproklama bilang art capital ng rehiyon ayon sa Department of Tourism (DOT) Bicol.

Sa panayam sakanya ng Brigada News FM Legazpi kay Regional Director Herbie Aguas, sinabi niya na maaari kasing makakuha ng idea ang mga lokal na gobyerno sa nabanggit na lalawigan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito kasi umano ang paraan upang mapalago ang turismo sa isang lalawigan.

Ayon pa kay Aguas, kinakailangag mag-isip ng paraan upang maiba ang akbidad na ginagawa at hindi lamang nakatutok sa isang festival.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Umaasa naman ang ahensya sa ibang mga bayan at lungsod na magkaroon ng pagbabago o improvement sa bawat aktibidad upang tumatak sa turista at makilala ito sa buong bansa.