Plano ng Philippine Air Force na magsagawa ng cloud seeding operations upang maapula ang sunog sa Benguet.
Ayon kay Philippine Air Force Colonel Ma. Consuelo Castillo, inaasahan nilang na ngayong linggo ay maisasagawa ang naturang plano.
Mababatid na binalot ng makapal na usok at haze ang Benguet at Baguio City matapos na tumama ang walong forest fire sa rehiyon.
Tinupok ng forest fire ang bahagi ng Mount Santo Tomas na halos umabot na sa vital installations sa communications, TV at radio equipment sa lugar.
Samantala, nakikipag-ugnayan din ang PAF sa Department of Agriculture at Isabela provincial government para matugunan ang epekto ng El Nino.