Coca-cola, maglalagak ng 1B USD na pamumuhunan sa bansa

Welcome kay Pangulong Bongbong Marcos ang plano ng multinational beverage company na Coca-Cola na maglagak ng isang bilyong dolyar na pamumuhunan sa bansa.

Sa courtesy call ng mga top executives ng Coca-cola kahapon sa Malacañang, inihayag nila ang pagnanais na magdagdag ng investment sa bansa sa susunod na limang taon dahil sa tiwala nila sa business climate sa Pilipinas.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ibinida rin nila ang itinatayong planta sa Tarlac.
Sa kasalukuyan anya meron na silang 9,000 direct employees, at tinatayang 100,000 na indirect employees.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Pangulong Marcos, tiwala syang magtatagumpay ang expansion lalo’t pasok ang mga young population sa bansa sa kanilang market.