Naglaan ang Department of Budget o DBM ng 106.335 billion pesos ngayong taon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Mas malaki ito kumpara sa 102.610 na budget noong taong 2023.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na matutulungan nito ang mahigit 4.4 milyon na karapat-dapat na pamilya sa buong bansa.
Sakop ng nasabing alokasyon ang ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng 750 pesos kada buwan at 600 sa subsidiya sa bigas.
Habang nasa ₱300-700 kada buwan ang inilaan sa subsidiya ng pamahalaan para sa edukasyon ng mahigit 7 milyong mag-aaral.