Tinatatayang nasa 20-30 ektarya ng bundok sa Mulanay Quezon, nasunog

Isang grass fire ang sumiklab sa madamong bundok sa pagitan ng Barangay Matataja at Barangay F. Nanadiego sa Mulanay, Quezon nitong Linggo, Pebrero 25.

Ayon kay SFO1 Riego ng BFP Mulanay nakatanggap sila ng tawag bandang 7:30 ng gabi at naideklarang fire out ang sunog bandang 9:00 naman ng gabi at nasa tinatayang 20-30 na ektarya ang lawak ng sunog.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Mulanay Pio Gelo Amisola, na ayon naman umano sa mga residente ng naturang lugar normal naman daw umano nangyayari ito lalo na kapag amihan bandang buwan ng Pebrero hanggang May.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection-Mulanay, patuloy pa rin isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng naturang grass fire.