Palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army nangyari sa Tinambac, Camarines Sur kaninang madaling araw

NAGA CITY – Humigit kumulang 15 armado na pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nakasagupaan ng mga sundalo ng 83 Infantry Batalion, Phil Army kaninang ala 1:40 ng madaling araw sa Barangay Binalay, Tinambac, Camarines Sur.

Sa inisyal na ulat na inilabas ng Division Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, Phil Army sa pamamagitan ni Army Capt. Frank Roldan, nagkakaroon ng combat operation ang mga sundalo ng masalubong ang naturang mga armadong grupo, ilang minuto ring nagkaroon ng putukan hanggang sa tumakas ang mga ito.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Aniya’y may mga dugo sa palibot ng pinangyarihan ng insidente, na posibleng may sugatan sa mga rebeldeng tumakas.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nakuha sa lugar ay mga baril at bala gaya ng isang M16 Rifle, isang Cal. 45 pistol anim na pirasong magazines para sa 5.56mm, isang pirasong magazine sa Cal. 45 pistol, cellphone, mga gamit pampasabog at mga dokumento.

Kasalukuyang nagkakaroon pa ng imbestigasyon sa lugar ,inaalam pa ang iba pang detalye ng naturang engkuwentro.