DOH, tutol pa rin sa paggamit ng marijuana sa Pilipinas

Hindi suportado ng Department of Health ang paggamit ng marijuana sa bansa kahit pa ito ay para sa medikal na pangangailangan.

Ayon sa ahensya, ang paggamit ng medikal cannabis ay itinuturing nilang ilegal.

Read More:  BIR removes 12% VAT on allowable system loss charges in electric bills

Nanawagan rin sila sa mga mambabatas na ikonsidera ang kakayahan ng pamahalaan para sa pagregulate nito sakaling maging batas ang panukalang gamitin ito bilang gamot sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman.

Kinakailangan diN magsagawa muna ng mga masusing pag-aaral at mangalap ng scientific evidence para matukoy kung magiging epektibo ito sa publiko.

Read More:  Former Pres. Rodrigo Duterte appears before ICC judges after 18 months in detention

Iginiit pa ng ahensya na ang paggamit nito ay may katapat na parusa sa batas maliban na lamang kung ito ay gagamitin para sa compassionate use o permit mula sa Food and Drug Administration.