Telekonsulta ng JLGMH isasara na

Isasara na simula bukas, araw ng Byernes ang Telekonsulta ng James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City.

Ito ay dahil full operation na umano ang Out Patient Department ng ospital ngayon na kinakailangan ng mas maraming tauhan.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, base sa kanilang assessment ay wala na rin halos ang nagtatawag sa Telekonsulta kaya napagdesisyunan na isara na ito.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Matatandaan na binuksan ang Telekonsulta noong kasagsagan ng pandemya dahil na rin sa pagbabawal sa face-to-face.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO