Bagong record, naitala sa Sulfur dioxide emmission mula sa Bulkang Taal

Naitala ng PHIVOLCS ang pinakamataas na lebel ng sulfur dioxide emission mula sa Bulkang Taal.

Sa advisory ng ahensya nitong Linggo, alas-4:15 ng hapon, ay sinabi nito na naglabas ang Taal ng average na 22,628 tonnes ng sulfur dioxide per day, na panibagong all-time high.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 14,699 tonnes ng sulfur dioxide per day na naitala noong Sabado.

Dagdag ng ahensya, nairehistro nito ang 26 na malakas na low frequency volcanic earthdaquakes na may koneksyon sa magmatic degassing na naitala sa ilalim ng silangang bahagi ng Volcano Island.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Nagbabala naman ang PHIVOLCS na ang mga nasabing obserbasyon nito ay indikasyon na posibleng maulit  anuman oras ang eruption na kapareho sa nangyari noong July 1, 2021.