Dating Prime Minister Thaksin, nabigyan ng parole

Nabigyan ng parole ang kontrobersyal na bilyunaryo ng Thailand na si dating Prime Minister Thaksin Shinawatra matapos magsilbi ng anim na buwang pagkakakulong.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Kinumpirma ito ni Prime Minister Srettha Thavisin na sinabing naaayon ang kanyang pagkalaya sa mga regulasyon ng departamento.

Depensa pa nito, nagsilbi ring punong ministro si Thaksin ng maraming taon at gumawa ng maraming magagandang bagay para sa bansa sa mahabang panahon.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Sa kabila ng pagkakaloob ng parole, maaari pa rin siyang makulong, habang kinokonsidera ng mga tagausig na singilin siya para sa pag-insulto sa monarkiya noong 2015.