Pari mula sa Diocese of Daet nilinaw na hindi konektado sa Roman Catholic Church ang grupo na nagpakilalang “Filipino Katoliko” na nakarating na rin sa Daet para mangalap ng donasyon

CAMARINES NORTE – Iginiit ng isang pari mula sa Diocese of Daet  na hindi konektado sa Roman Catholic Church ang grupo na nagpakilalang “Filipino Katoliko” na nakarating na rin ngayon dito sa Daet para mangalap ng donasyon.

Bagamat wala pa sa ngayong opisyal na pahayag ang Diocese of Daet, nilinaw ni Father Frederick Rafael, Chairman ng Commission on Social Communications and Mass Media sa kaniyang mensahe sa Brigada News FM Daet na dapat maging “aware” ang mga katoliko na ang grupong ito ay walang kaugnayan sa simbahan at sa Diocese.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa ngayon ay wala pa sa lalawigan si Bishop Rex Andrew Alarcon na dumalo sa isang pagtitipon sa Roma.

Pero nauna nang nagpalabas ng pahayag si Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo na ang naturang grupo na nangangaplap ng donasyon ay walang kaugnayan sa simbahan at kanilang Diocese.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Mababatid na nag- ikot na rin ang grupo sa iba’t- ibang opisina at establisyimento dito sa daet kahapon.

Nagtungo rin ito sa munisipyo at humarap pa sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan.