QC, magsasagawa ng tatlong araw na Chinese New Year Celebration

Naghahanada ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na may mga nakalinyang aktibidad para sa tatlong araw na selebrasyon para sa Chinese New Year.

Magsisimula na ito bukas February 9 hanggang Linggo, February 11.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng pagsisikap para i-promote ang Banawe Street – ang sariling China Town ng siyudad.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kilala ang nasabing kalye sa pagbebenta ng car parts at may iba’t iba rin silang Chinese restaurants at landmarks.