Rep. ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana na si Michelle Arceo, hinirang bilang 2nd runner up

Bigo mang mai-uwi sa Pilipinas ang korona ng Reina Hispanoamericana, nasungkit pa rin ng representative ng Pilipinas na si Michelle Areceo ang 2nd runner up placement sa nasabing beauty pageant.

Read More:  BINI named Artist of the Year at Filipino Music Awards 2026

Inihayag ng 25-year-old Filipino-American beauty queen ang pasasalamat sa lahat ng naging katuwang at kasama niya sa kanyang  journey.

Back-to-back naman ang Peru matapos koronahang Reina Hispanoamericana 2023 ang pambato nilang si Maricielo Gamarra.

Read More:  Team Ryzza alarmed over threatening messages received by Ryzza Mae Dizon

Maalalang huling naiuwi ang korona sa Pilipinas pitong taon na ang nakalipas, matapos hiranging Reina Hispanoamericana 2017 si Wynwyn Marquez.