CAMARINES NORTE – Iginiit ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte na tama lang ang hakbang ng Lokal na Pamahalaan partikular ng Municipal Health Office na iisama sa requirements ang sa chest x-ray ng mga driver sa renewal ng prangkisa.
Ayon kay Vice Mayor Ramir Barrameda mahalaga na alam ng mismong mga driver ang estado ng kanilang kalusugan para sa kanilang paghahanapbuhay.
Kung maalala ay umalma nga ang ilang driver ng tricycle nang maisama sa requirements ng renewal ng prangkisa ang chest x- ray bagay na hindi umano nasabai sa kanila agad.
Una na ring nagpaliwanag ang MHO sa naging rekomendasyon na isama bilang requirement ang chest- xray sa mga driver ng tricycle bago maisyuhan ng Health Sanitation card na requirement naman sa franchise renewal
Nagkasundo naman ang LGU at mga TODA na i- adjust ang deadline ng submission ng chest x-ray result hanggang Marso nitong taon.
Dahil dito makaka- renew pa rin ng prangkisa kahit hindi muna makapagsumite ng resulta ng chest x- ray.
Pero ayon sa Bise Alkalde marami na rin naman ngayon ang nagko- comply sa bagong requirements.
