NEDA pagsusumikapang mapataas sa upper middle income country ang Pilipinas

Target ng National Economic and Development Authority o NEDA na makamit ang 6-7.5% na full year growth domestic product o GDP growth rate sa taong 2024.

Sa oras na maabot ito, inaasahang makakalikha ng maraming oportunidad sa ekonomiya, mapataas ang employment gayundin ang per capita income.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Magiging daan din ito para maiangat sa upper middle income country ang Pilipinas sa taong 2025.

Ayon kay NEDA secretary Arsenio Balisacan, masusuportahan ito sa pamamagitan ng mababa at manageable na inflation, labor force na may mataas na kalidad ng trabaho, malakas na fiscal position, at mas mababang deficit at utang.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ibinida naman ni Balisacan na maayos ang naging takbo ng ekonomiya ng bansa sa taong 2023.