Isinasagawa sa lalawigan ng Zambales ang kauna-unahang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Central Luzon.
Nagsimula ang caravan kaninang umaga sa bayan ng Botolan kung saan libu-libong mamamayan ang maseserbisyuhan ng gobyerno.
Nasa mahigit apatnapung mga ahensya ng gobyerno ang nagbibigay ng kani-kanilang serbisyo na tatagal hanggang January 28.
Bawat ahensya ay mayroong itinalagang lugar kung saan sila maghahatid ng serbisyo para mailapit ito sa mamamayan.
Read More: Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental
Mayroong para sector ng agrikultura, edukasyon, pangkalusugan, tulong pinansyal at iba pa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
