Pitong mangingisda na naiulat na missing sa Palawan, ligtas na

Nasa ligtas ng kalagayan ngayon ang pitong mangingisda na naiulat na nawawala nitong nakaraang araw sa Palawan.

Ito ay matapos silang ma-rescue sa karagatan ng Isla Verde, Roxas, Palawan kahapon ng hapon, January 26, 2024 hanggang maisakay sa BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) ng Phil. Coast Guard.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon sa Coast Guard District Palawan, ang mga nailigtas ay naiulat na nawala nitong Huwebes nang sila ay umalis sa Calandagan patungo sa Poblacion ng Araceli, Palawan.

Kwento nila, binayo sila ng malalaking alon at malakas na hangin habang nasa dagat kaya tumaob ang kanilang bangka.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Samantala, inasikaso na ang mga mangingisda ng mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Courtesy: Coast Guard District Palawan