Quezon most wanted person, naaresto ng mga awtoridad sa Baguio City

Arestado ang isang lalaking umano’y Provincial Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Burnham-Legarda, Baguio City nitong Lunes, Enero 22.

Sa pagtutulungan ng Lucena at Baguio City Police Station katuwang ang iba pang pwersa, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Sambitory”, 46-anyos.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Si alyas Sambitory ay may kinakaharap na kasong Roberry sa ilalim ng criminal case number 2023-2243 at may inirerekomendang piyansa na nagkakahalagang ₱100,000.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.