Testing sa Miru Systems Company Limited, ikinasa na ng COMELEC

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang post-qualification evaluation para sa procurement ng bagong automated election system para sa 2025 national at local elections.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, nagsagawa sila ng end-to-end testing ng prototype machine ng nag-iisang bidder na Miru Systems Company Limited.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ani Laudiangco, patuloy nilang pinag-aaralan kung fully compliant ang submission ng Miru.

Inaasahan umano ng ahensya na matatapos ang post-qualification proceesings hanggang 30 araw.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kasama na rin aniya sa kanilang ginagawa ang pagsilip sa legal, technical, at financial documents, maging lahat ng mga components ng bidder.

Sa huli, ipinaliwanag ng opisyal na kung talagang magkakaroon ng post-disqualification – hindi pa ito mangyayari sa ngayon dahil marami pa silang kailangang i-test.