Halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga sa lungsod ng Naga sa unang buwan ng taong 2024 umabot na sa 10 million

NAGA CITY – Sa pag pasok pa lang ng buwan ng Enero umabot na sa 10 million ang halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga sa lungsod ng Naga, kung saan naging sunod sunod ang operasyon ng Naga City Police Office kontra droga sa unang buwan ng taong 2024.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon kay PLTCol Dario Sola, Deputy City Director for Operations ng NCPO, sinabing positibo ang lahat ng mga ito matapos na dalhin at suriin sa Forensic Laboratory Unit ng PNP, kabilang na rito yung mga malalaking operasyon ng pulisya na million ang halaga ng narekober na illegal drugs.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang lahat ng mga naarestong persona ay sinampahan na ng kaso na sa ngayon ay walang piyansa inerekomenda ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.