Kahalagahan ng kapapasa lang na Ease of Paying Taxes sa BIR, binigyang-diin ng ahensya

Epektibo na ngayong araw ang ease of Paying Taxes ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa ilalim nito, hindi na kailangan pang magbayad taunang P500 registration fee sa tanggapan.

Paliwanag ni BIR Commissioner Atty. Romeo Lumagui Jr., VAT o non-VAT man, wala na ang dating P500 na annual fee.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Maliban sa pag-aalis ng naturang bayarin, ibinahagi rin ni Lumagui na sa ilalim ng nasabing hakbang, magkakaroon ng tax payer segmentation na siya aniyang pinakaimportante sa batas.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Gagawin kasi rito ang iba’t ibang adjustments na siyang magka-classify kung ang mga tax payers ay para sa large, medium, small, o micro.

Sa huli, tiniyak ng ahensya na sinisikap nilang mapadali ang proseso ng pagre-report at pagbabayad ng buwis.
#