K-to-12 program, hindi umano pinapaalis ng CHED sa mga SUCs

Nilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero de Vera III na hindi niya ipinag-utos na itigil ang K-to-12 Program sa mga state universities at colleges.

Ayon kay de Vera, alinsunod ang kanyang memorandum nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na ititigil nito ang Senior High School voucher.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Simula nang bawiin ng DepEd ang pondo para sa mga programa ng SHS sa SUCs, wala na aniyang kapasidad o pondo ang nasabing mga kolehiyo para patakbuhin ang mga nasabing programa.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Sa kabila nito, mayroon pa ring mga SUC na nagpasya na patakbuhin ang mga programa gamit ang kanilang mga badyet para sa mga kasalukuyang estudyante.

Samantala, pag-aaralan ng CHED ang posibilidad ng mga SUC na magpapatupad ng mga partikular na programa ng SHS bilang mga feeder school.
#