DOST, pinag-aaralan kung paano makatutugon sa food security ng bansa

Tiniyak ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP) ang mga hakbang para tugunan ang food nutrition at security para sa bawat Pilipino.

Ito ay sa gitna ng sumisirit na presyo ng mga bilihin, crop shortages, at smuggling.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Binigyang-diin ni DOST-NRCP president Dr. leslie Michelle Dalmacho na isa sa pinag-aaralan ng mga researchers ay ang mayamang biodiversity ng Pilipinas upang mapabuti ang mga pananim sa pamamagitan ng pinakabagong teknolohiya, at ma-improve ang farm-to-market process.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Nakatuon din aniya ang mga inisyatibo ng ahensya sa environmental research, na siyang sumisiguro sa pagkakaroon ng access at sustainable na malinis na tubig.

Sa huli, sinabi ng opisyal na saklaw ng kanilang pag-aaral ang tubig, pagkain, kalusugan, at enerhiya.