Senadora, nais matugunan ang ‘oversupply’ ng mga gulay

Naniniwala si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na marapat lang mag-invest ang bansa sa mga agricultural research at imprastruktura.

Ito ay upang mapatibay ang water governance at land use policies na mayroon ang bansa.

Ayon kase kay Legarda, bagamat maituturing na mayaman ang Pilipinas sa food resources ay may milyon-milyon pa ring mga Pilipino ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora sa Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng strategic measures para matulungan ang merkado at masuportahan ang mga lokal na magsasaka sa kasalukuyang nararanasan ng mga ito na oversupply sa kanilang mga pananim.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon pa kay Legarda, dapat ding matiyak ng DA na mas magiging accessible sa merkado ang mga pananim ng mga magsasaka at matulungan sila sa maaga nilang planting stage.