33 na baka, ipinamahagi ng da region 2 sa Enrile, Cagayan

Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng 33 na baka sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng Bagong Ulysses sa Enrile, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa ilalim ng Livestock program ng ahensya ay nagsimula na ang pamamahagi ng 33 brahma cattle sa nasabing bayan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay DA RFO2 Livestock program head Demetrio Gumiran, patuloy pa ring bumabangon ang mga magsasaka sa epekto ng bagyo at malawakang pagbaha na kanilang naranasan kaya’t malaki umano ang maitutulong ng mga ipinamahaging baka.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, ang brahma cattle ay mataas ang tolerance nito sa ilalim ng init ng araw.

Kabuoang 216 na baka ang nakatakdang ipamahagi sa 3 distrito ng probinsya ng Cagayan.