Fans nila Jericho at Heart, napabalik-tanaw sa post ng aktor

Napabalik-tanaw ang mga followers sa latest post ni Jericho Rosales, lalo na sa mga fans nila ng dati niyang girlfriend na si Heart Evangelista.

Hindi napigilan ni Echo na matawa nang mahalungkat niya ang mga lumang paperdolls nila ni Heart.

Read More:  Shuvee Etrata, fangirls over meeting Alex Eala in New York

Ang mas ikinatuwa niya pa ay nang mapansin ng aktor kung paano idinikit ang kanilang mga mukha sa mga magandang katawan.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame Star

Maalalang nabuo ang kanilang pagkakaibigan dahil nasa iisang agency sila kasama ang iba pang mga bituin tulad nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, at iba pang sikat na celebrities.

Patunay lamang ito na pwedeng maging mag-kaibigan ang mag-ex.