Halos 80 na pulis, natanggal sa serbiyo noong 2023 ayon sa DILG

May kabuuang 76 police personnel ang natanggal sa serbisyo noong 2023.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr. na sa kabuuang 681 investigation reports and decisions sa 437 summary dissmisal cases bukod sa 76 na nadismiss na pulis, 89 ang demoted, 93 ang suspended at 11 ang reprimanded.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Mahigit 100 pulis naman ang nakasuhan dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal nna droga.

Noong nakaraang taon, nanawagan si Abalos sa halos 1 libong police colonels at generals na maghain ng courtesy resignation para bigyang-daan ang malawakang imbestigasyon sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa illegal drugs

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Sa bilang, may kabuuang 18 resignations ang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.