Bilang ng walang trabaho sa bansa, bumaba pa sa 1.8 million

Nabawasan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, batay sa huling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA ngayong araw.

Sa datos ng PSA, nasa 3.6% ang unemployment rate ng bansa nitong November 2023, mas mababa sa 4.2% na unemployment rate noong November 2022 at October 2023.

Read More:  DSWD completes nationwide distribution of P5,000 fuel assistance

Katumbas ito ng 1.83 million na walang trabaho, mula sa 2.18 million noong November 2022 at 2.09 million nitong October 2023.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Habang umakyat naman ang bilang ng may trabaho sa bansa sa 96.4% o katumbas ng 49.64 million, kumpara sa 95.8% noong November 2022 at October 2023.