Acorda, naghain ng reklamo laban sa Ex. AFP Official matapos madawit ang kanyang pangalan

Naghain ng reklamo si Philippine National Police Chief General Benjamin Acorda laban sa isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ay matapos na madawit ang pangalan ni Acorda sa umanoy destabilization laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Nauna rito nagpahayag ng pagkadismaya si Acorda at sinabi niya na walang kapatawaran ang ganitong maling gawain.

Nakipag-ugnayan na ang PNP sa pamunuan ng mga social media app kung saan inapload ang malisusyong video na nag-uugnay sa pangalan nina Acorda at AFP chief of staff Romeo Brawner Jr.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Nirerespeto naman aniya ng PNP ang karapatang magpahayag ng bawat isa pero dapat ay maging responsible sa pag-post.