Bilang ng mga debotong dadalo sa Traslacion, ti-triple – MDRRMO

Tiniyak ng Manila City Disaster Risk Reduction and  Management Office (MDRRMO) na all systems go na ang Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay MDRRMO Director Ariel Eustacio Angeles, nailatag na nitong mga nakaraang araw ang paghahanda para sa Traslacion ngayong araw.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Dagdag pa ni Angeles, inaasahang ti-triple ang mga debotong mamamanata ngayong taon sapagkat matagal na nilang hindi nasilayan ang Mahal na Poong Nazareno.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Sa kabilang dako, sinabi ni Nazareno 2024 Technical Advisor Alex Irasga na ang pahalik o pagpupugay sa Black Nazarene ngayon ay mas maayos at mas mabilis ang proseso ng pagpila.