Bilang ng fireworks related injury sa Camarines Norte hindi nadagdagan  sa nakalipas na dalawang araw

CAMARINES NORTE – Walang naiulat na bagong fireworks related injury sa lalawigan ng Camarines Norte sa nakalipas na dalawang araw.

Ito ay makaraang makapagtala ng pinakamataas na Fireworks related injury sa buong Bicol Region ang lalawigan sa pagsalubong sa bagong taon.

Batay sa pinakahuling ulat ng mga ospital at Rural Health Unit sa Provincial Health Office nitong Huwebes, January 4, nanatili sa 16 ang bilang ng mga naputukan sa lalawigan simula noong December 21.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pinakamarami ang nabiktima ng paputok sa Daet na mayroong siyam, dalawa sa Mercedes habang may tig- iisang kaso ang Labo, Talisay, Paracale, Basud at Vinzons.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kwitis, five star at boga ang nangunguang cause of injury kung saan halos kalahati o pito sa labing anim na biktima ay pawang mga bata edad  9 hanggang 13 anyos.

Ang mga nagpadala ng report sa PHO kahapon ay tatlong government hospitals at apat na Rural Health Unit.