4 na tanod na sangkot sa pagkamatay ng isang lalaki sa Las Piñas, pinalaya

Pansamantalang pinalaya ang apat na tanod na sangkot sa pagbugbog at pagpaslang ng biktimang si Jericho Rocabo.

Ayon sa Las Piñas Police, nakulangan ang City Prosecutor’s Office sa isinumiteng ebidensiya.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Paliwanag ng pulisya, nagahol sila sa oras at hindi kaagad na-submit ang CCTV footage on time.

Sinabi ni Police Mater Sergeant Marsito Torreon, imbestigador ng kaso na hindi naman ibig sabihin na lusot na ang mga ito sa kaso.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Pagtitiyak ni Torreon, kasado na ang preliminary investigation sa susunod na linggo, January 8.

Una nang natagpuan na palutang-lutang ang bangkay ni Rocobo sa isang creek sa Las Piñas City.