Taguig LGU: panlilinlang’ ang biglaang pagpapasarado ng mga health centers

Tinawag na panlilinlang at panloloko ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ginawang pagpapatigil sa operasyon at pagpapasarado ng mga health centers at lying in ng lokal na pamahalaan ng Makati sa mga EMBO barangays simula nitong Lunes.

Ayon sa inilabas na post ng Taguig LGU, hindi kailangan ng license to operate ng mga health centers maliban na lamang kung isa itong registered primary care facility.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Alinsunod dito, isa lang umano ang registered primary care facility sa EMBO at ito ang Pitogo Health Center na may tatlong taong lisensya na hanggang sa ngayon ay may bisa pa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kaugnay nito, maari pa rin umanong magpatuloy ng operasyon ang lahat ng health centers sa EMBO.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Taguig na handa silang magbigay ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng EMBO barangay.