EMBO brgys, nanawagan ng tulong matapos isara ng Makati ang mga health centers nito

Ikinalungkot ng ilang residente sa EMBO barangays ang naging pagsasara ng mga health centers at lying-in sa kanilang lugar.

Ito ay matapos inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Makati nitong Lunes na expired na ang licensed to operate nito.

Ayon sa ilang nakapanayam ng Brigada Manila, malaking ginhawa ang hatid sa kanila ng mga naipasarang health center lalo na sa kanilang mga pangangailang medikal tulad ng check-up, dialysis at examinations.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Kaugnay nito, nanawagan sila sa lokal na pamahalaan ng Taguig na agarang magbukas ng mga bagong health centers na tutugon sa kanilang medikal na pangangailangan upang hindi na sila mapagastos pa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa ng iilan, maganda rin umano kung makapag-usap si Mayora Abby Binay at Mayora Lani Cayetano upang maging maayos ang transition ng mga bagay-bagay.

Maalala, nitong umaga ay naglunsad na ng pansamantalang teleconsultation at catchment health centers ang Taguig para sa mga residente ng EMBO barangays.