Higit 129-milyong pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 noong 2023

Pumalo sa higit sa 129-milyon ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) noong 2023 na mas mataas ng 30% kung ikukumpara sa kabuuang 98.3-million noong 2022.

Naitala noong August 22 ang pinakamaatas na single-day ridership sa tren na umabot sa 450,298 pasahero.

Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, maraming pasahero lalo na ang mga nagbalik sa on-site work ang pinipiling sumakay sa MRT-3 dahil mas mabilis at maaasahan itong transportasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bukod dito, ipinunto rin ni Asec. Aquino ang mas epektibong maintenance program sa tren na naging factor din sa pagtaas ng ridership.

Dahil sa tuloy-tuloy na improvement sa operasyon ng MRT-3, sa ngayon ay nasa 30-45 minutes na lang aniya ang travel time mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station na may headway na 3.5-4 minutes tuwing peak hours.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Matatandaang noong Mayo ng 2023, pinalawig pa ng Department of Transportation (DOTr) ang maintenance at rehabilitation contracts nito sa Sumitomo, na nagresulta sa mas magandang takbo ng tren hanggang 2025.