Malacañang – ‘di idineklarang holiday ang January 2

Bokya ang mga umaasam ng holiday sa January 2.

Ito’y dahil, walang inilabas ang Palasyo ng Malacañang na deklarasyon ng holiday para sa nasabing araw.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Sa maikling mensahe na ipinadala ni Presidential Communication Office o PCO Secretary Cheloy Garafil sa mga myembro ng media, kinumpirma nitong walang holiday declaration sa January 2.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Nabatid na marami ang umasang magkakaroon din ng long weekend kasabay ng pagsalubong ng bagong taon, katulad ng unang deklarasyon sa January 26 bilang special non-working day.