2 sa mga suspek sa pagdukot sa 6 na Chinese Nationals, arestado

Arestado ang dalawa sa 5 hanggang 6 na suspek na responsable umano sa pagdukot sa 6 na Chinese nationals at 3 Pilipino sa Ayala Alabang, Muntinlupa City noong October 30.

Isa sa mga suspek ay dinala sa Department of Justice ngayong araw para sampahan ng patong-patong na reklamo.

Nabatid na kidnapping for ransom, serious illegal detention, at murder ang isasampa laban sa mga suspek kabilang ang isang negosyante at isang security guard.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Maalalang, isang araw matapos ang pagdukot, natagpuang patay ang dalawa sa mga Chinese sa Tanay, Rizal at makalipas ang ilang araw nakita ang bangkay ng dalawa pa sa Quezon province.

Tatlong Pinoy naman na kasama ng mga ito ang pinalaya ng mga suspek.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kahapon nang maaresto ng mga awtoridad sa Muntinlupa City ang isa sa mga suspek na positibong itinuro ng mga saksi.

Hindi naman tukoy sa ngayon kung nasaan at kung buhay pa ang dalawang Chinese na isang babae at anak niya na 11 taong gulang.