PPA: mag-book na online bago pumunta sa mga pantalan

Pinaalalahanan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga byaherona pupunta s amga pantalan na mag-book na muna online.

Ito’y upang makaiwas sa aberya o abala lalo na’t ilan sa mga naging problema nitong nakalipas na kapaskuhan ay ang mabagal na ticketing process ng ilang mga shipping line.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Simula nga bukas ay long weekend na muli dahil sa Rizal Day ang Disyebre 30 na magtutuloy-tuloy ang walang pasok hanggang Lunes o unang araw sa taong 2024.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kaugnay nito, maagang nagsagawa ng mga surprise inspection ang PPA sa iba’t ibang Port terminal sa bansa para masiguro ang seguridad ng magsisiuwian ngayong peak season.