2024 National budget, nakapaglatag ng safeguards para sa “unprogrammed funds”

Kumbinsido si Manila Third District Representative Joel Chua na sapat ang safeguards at probisyon na tumitiyak sa maayos na paggasta sa “unprogrammed funds” sa ilalim ng 2024 national budget.

Ayon kay Chua, nakapaloob sa General Appropriations Act ang legal na basehan ng unprogrammed funds pati na ang mga batas na naaprubahan habang gumugulong ang legislative process ng budget at umiiral na regulasyon sa emergencies at contingencies.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Malaking bahagi aniya ng 2024 GAA ay magsisilbing “catchup” sa epekto ng inflation, lending interest rates at foreign exchange rates sa purchasing power ng piso.

Naniniwala rin ang kongresista na malaki ang alokasyon para sa kritikal na imprastraktura at public works upang maitaguyod ang paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Samantala, idinisenyo naman umano ang pambansang budget upang pigilan ang lalong pagsadlak sa kahirapan ng mahihirap na pamilya.

Patunay dito ang pagbubuhos ng pondo sa anti-poverty measures partikular sa social services, public health at edukasyon.