5, sugatan matapos sumalpok sa railing ng MRT ang isang bus

Nakalabas na ng ospital ang limang pasahero ng isang bus na nasaktan matapos sumalpok sa railing ng MRT-3, Santolan south bound station kahapon.

Ito’y matapos na tangkaing umiwas ng bus sa isang police car na biglang pumasok sa EDSA Busway.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Ang limang pasahero ay nagtamo ng galos, bukol at matinding pagkahilo na agad naman nirespondehan ng ambulansya.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa mga authorized vehicle na papasok sa loob ng EDSA Busway, na maging ma-ingat dahil priyoridad pa din ang kaligtasan ng pasahero ng bus sa lahat ng oras