Pagbabalik ng tren biyaheng Naga-Legazpi  City tuloy na tuloy ngayong araw

NAGA CITY- Natapos ang halos anim na taon tuloy na tuloy ang pagbabalik ng biyahe ng tren Naga City patungo sa Lgeazpi City sa Albay ngayong araw Dec. 27, 2023.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Eng. Jaypee Relleve ng Engineering Department. Aniya sa kanilang mga test run wala nang nakitang aberya. Tumutok sila sa Ligao- Legazpi pero tininggan pa rin ang kondisyon ng riles ng mula sa Naga patungong Ligao.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption
Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Alas 5:38 ng umaga at 5:30 ng hapon ang schedule ng Naga- Legazpi. ₱155.00 naman ang regular na pamasahe.  Sa distansyang 101 kilometro, tatlong oras at apat na minuto ang estimated travel time.